21 oktubre

Ang TB Alliance (Alaynsa para sa TB) na Suportado ng Republika ng Korea ay Nagpahayag ng Inisyatibo upang Palawakin ang Paggamit at Padamihin ang Mga Pinabuti na Paggagamot ng Tuberculosis (TB) na Lumalaban sa Gamot

 

Patataasin ng LIFT-TB ang mga antas ng pagkumpleto ng paggamot ng TB na lumalaban sa gamot, na nakatuon sa pitong bansa sa Timog-silangan at Gitnang Asya na may maraming kaso ng TB na magiging responsable para sa halos 1 sa 5 kaso ng TB

PRETORIA (Oktubre 21, 2020)—Ang TB Alliance ay nagpahayag ng inisyatibo upang palawakin ang paggamit at padamihin ang mga pinabuti na plano sa paggamot ng tuberculosis (TB). Ang inisyatibong ito, na kilala bilang LIFT-TB (Leveraging Innovation for Faster Treatment of Tuberculosis, o Pinapakinabangan ang Makabagong Pamamaraan para sa Mas Mabilis na Paggamot ng Tuberculosis) ay naghahangad din na pataasin ang mga antas ng pagkumpleto ng paggamot ng mga uri ng TB na lumalaban sa gamot sa ilang bansang pinaka-apektado ng ganitong uri ng TB sa mga rehiyon ng Timog-silangan at Gitnang Asya, katulad ng Indonesiya, Myanmar, Pilipinas, Byetnam, Kyrgyzstan, Ukraine, at Uzbekistan.

“Kamakailan namin nasaksihan ang napakalaking dagsa sa paglaban sa ilang mga uri ng TB na pinakamalakas lumaban sa gamot,” ani ni Sandeep Juneja, ang Nakatataas ng Bise Presidente ng Access sa Merkado ng TB Alliance. “Ngayon, nasasabik kaming tumulong upang magbunga ng epekto sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang mga makabagong plano sa paggamot ng TB ay malawak na magagamit ng mga nangangailangan sa mga ito."

Ang limang-taong proyekto ay nangangailangan ng pinagsamang pangako ng halos US$11 milyon mula sa TB Alliance at Republika ng Korea sa pamamagitan ng Global Disease Eradication Fund (GDEF o Pandaigdigang Pondo para sa Pagpuksa ng Sakit) sa pitong minarkahan na bansa. Nilalayon ng proyekto na makaligtas ng mga buhay at kabuhayan ng mga pasyente ng TB, kanilang pamilya at mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng teknikal na tulong upang mapadali ang paggamit at pagpadami ng mga pinabuting plano sa paggamot ng TB at ng pagbabawas ng mga sistemang pangkalusugan at epidemyolohikong pasanin ng tuberculosis na lumalaban sa gamot. Kabilang sa iba pang mga layunin, susuportahan ng proyekto ang maagang pagsisimula ng mga operasyon ng pagnanaliksik para sa anim-na-buwan, pawang-pag-inom-ng-gamot, tatlong-gamot na planong BPaL, na pinaplano.

Ipapatupad ang proyekto kasama ang International Tuberculosis Research Center (ITRC o Internasyonal na Sentro ng Pananaliksik ng Tuberculosis), na nasa Timog Korea, ang pangunahing katuwang ng TB Alliance para sa proyektong ito. Ang proyekto ay nakasalalay sa teknikal ng tulong mula sa ibang mga internasyonal at pambansang teknikal na katuwang, kabilang ang KNCV Tuberculosis Foundation.

“Ang ITRC ay nakatuon sa pagbubuo, pagpapabuti at pagpapakalat ng diyagnostikong teknolohiya para sa mabilis at tumpak na pagkilala sa bakterya na lumalaban sa gamot. Nasasabik kaming sumali sa LIFT-TB at ibigay ang aming kadalubhasaan sa mga diyagnostiko sa TB para sa matagumpay na pagsimula at padaragdag ng pinabuting paggamot sa TB," ani ni Dr. Sun Dae Song, Tagapangulo ng Lupon ng ITRC.

Papadaliin ng proyekto ang pag-access sa mga bagong plano sa paggagamot ng mga uri na TB na lumalaban sa droga, na nagsisimula sa kumbinasyon ng paggagamot gamit ang bedaquiline, pretomanid at linezolid — na sama-samang tinutukoy bilang planong BPaL. Ang planong BPaL ay pinag-aralan sa kinasasalalayang pagsubok na Nix-TB ng TB Alliance na nagpakita ng kanais-nais na kinalabasan sa 90% ng mga pasyente, tulad ng inilathala sa Marso 5, 2020 na isyu ng New England Journal of Medicine.1 Ang Pretomanid, isang bagong kemikal na binuo ng TB Alliance at kinalakal ng Mylan, ang kanilang pandaigdigang kasosyo, bilang bahagi ng BPaL, ay kamakailang nakuha ang awtorisasyon para sa pagbebenta mula sa Komisyon ng Europeo at Heneral sa Pagkontrol ng Gamot ng Indya. Ito ay inaprubahan bilang isang pormularyo ng iniinom na tableta bilang bahagi ng planong BPaL para sa paggagamot ng pasyenteng nasa hustong gulang na mayroong TB na extensively drug-resistant (XDR-TB; TB na lumalaban sa halos lahat maliban sa isa or dalawang gamot) at TB na multidrug-resistant (MDR-TB; TB na lumalaban sa maraming gamot) na treatment-intolerant (hindi makaya ang gamot) o non-responsive (hindi epektibo ang gamot).

Noong 2019, tinatayang 10 milyong katao ang nagkasakit sa TB sa buong mundo, 62% nito ay nasa mga rehiyon ng Timog-silangan at Kanlurang Pasipiko.2 Bagaman ang pitong minarkahang bansa sa proyekto ay bumubuo lamang ng 8% ng pandaigdigang populasyon, sila ay bumubuo sa 12.5% ng pandaigdigang insidente ng TB na lumalaban sa gamot at isa lamang sa tatlong apektadong pasyente ang ginagamutan.2

Tungkol sa TB
Ang TB ay isang nakakahawang sakit na maaaring kumalat sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng hangin. Ang lahat ng uri ng TB ay dapat gamutin gamit ang kombinasyon ng mga gamot; ang mga uri ng TB na madaling talaban ng gamot ay nangangailangan ng anim na buwan ng paggagamot gamit ang apat na kontra-TB na gamot.3 Ayon sa karanasan, ang paggamot ng XDR-TB o treatment-intolerant/non-responsive MDR-TB ay napakatagal at kumplikado; karamihan sa mga pasyente ng XDR-TB ay ginagamot gamit ang kombinasyon ng hanggang sa walong antibiotiko, ang ilan ay nangangailangan ng 18 buwan o mas matagal na panahong araw-araw na iniksyon.3 Ang pinakahuling datos ng World Health Organization (WHO o Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan) ay nagpapahiwatig ng mga antas ng matagumpay na paggamot na humigit-kumulang na 39 na porsyento para sa XDR-TB4 at 57 porsyento para sa MDR-TB.2

Tungkol sa TB Alliance
Ang TB Alliance ay isang walang-kitang organisasyon na nakatuon sa paghahanap ng mas mabilis na bisa at abot-kayang gamot sa planong panggagamot para labanan ang TB. Sa pamamagitan ng makabagong agham at kasama ang mga katuwang sa buong mundo, hangarin naming na matiyak ang pantay na pag-access sa mas mabilis, mas mahusay na pagpapagaling ng TB na magsusulong sa kalusugan at kasaganaan ng buong mundo. Ang operasyon ng TB Alliance ay suporta ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas at Kalakal ng Australya, Bill & Melinda Gates Foundation, Pederal na Kagawaran ng Edukasyon at Pananaliksik ng Alemanya sa pamamagitan ng KfW, Pondo ng Makabagong Teknolohiya para sa Pandaigdigang Kalusugan, Pangkalusugang Pondo ng Indonesiya, Irish Aid, Internasyonal na Ahensya ng Kooperasyon ng Korea (KOICA), Konseho ng Medikal na Pananaliksik (Reyno Unido), Pambansang Instituto ng Alerhiya at Mga Nakakahawang Sakit, Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Olanda, Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (MOFA o Ministry of Foreign Affairs) ng Republika ng Korea, Kagawaran ng Internasyonal na Pag-unlad ng Reyno Unido, Kagawaran ng Kalusugan ng Reyno Unido, at Ahensya ng Internasyonal na Pag-unlad ng Estados Unidos.

Tungkol sa GDEF
Ang Global Disease Eradication Fund (GDEF o Pandaigdigang Pondo para sa Pagpuksa ng Sakit) ng Pamahalaan ng Republika ng Korea ay batay sa solidaridad na sistema ng pagpataw ng buwis sa ticket ng eroplano na nagpapataw ng donasyon na KRW 1,000 sa mga pasaherong bumibiyahe mula sa mga paliparan sa Korea para sa layuning pigilan at kontrolin ang mga nakakahawang sakit sa mga umuunlad na bansa. Ang GDEF ay nakikipagtulungan sa magkakaibang mga kalahok upang bumuo, sumubok at maghatid ng isang hanay ng mga makabagong produkto upang labanan ang mga nakakahawang sakit sa mundo. Ipinagkatiwala ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ang Internasyonal na Ahensya ng Kooperasyon ng Korea (KOICA o Korea International Cooperation Agency) upang patakbuhin at pamahalaan ang GDEF.

Tungkol sa KOICA
Ang Internasyonal na Ahensya ng Kooperasyon ng Korea (KOICA o Korea International Cooperation Agency) sa ilalim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (MOFA o Ministry of Foreign Affairs) ay nagbibigay ng kontribusyon sa pagpapalaganap ng internasyonal na kooperasyon sa pamamagitan ng iba`t ibang proyekto na nagtatatag ng mga palakaibigan at pakikipagtulungan na relasyon at mga pakikipagpalitan sa pagitan ng Republika ng Korea at mga umuunlad na bansa at sumusuporta sa ekonomiya at panglipunang pag-unlad ng mga umuunlad na bansa, bilang isang nangungunang ahensya kooperasyon sa pag-unlad ng Korea.

Pakikipag-ugnayan:
TB Alliance
Thomas Lynch
646.616.8639
Email: communications@tballiance.org


  1. Conradie F, et al. Bedaquiline, pretomanid and linezolid for treatment of extensively drug resistant, intolerant or non-responsive multidrug resistant pulmonary tuberculosis. N Eng J Med 2020;382:893-902.

  2. World Health Organization (WHO). Global TB Report 2020. Makikita sa: https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/336069/9789240013131-eng.pdf

  3. The Review on Antimicrobial Resistance. Tackling Drug- Resistant Infections Globally. May 2016. Makikita sa: https://amr-review.org/sites/default/files/160518_Final%20paper_with%20cover.pdf

  4. World Health Organization (WHO). Global TB Report 2019. Makikita sa: https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/329368/9789241565714-eng.pdf?ua=1